It's my second petiks day... hehehe... and since naisip ko na kanina kung gano kaboring ang magpapetiks-petiks lang (wag ka ng magreact Jam!), i asked our team lead for a map...
Fortunately... may na-provide naman sya sakin.. Sayang kasi clone map lang... hehehe.. mas maganda kasi ang new/base map.. mas mabigat ang bilang sa quota! hahaha...
Unfortunately, parang pumetiks din ako today. San ka ba naman kasi nakakita ng clone map na wala namang base map na binigay? Yung mga analyst talaga namin... kakaiba... Kulang-kulang sa info ang mga binibigay kaya nadedelay ang maps namin e...
Haay.. lapit nako umuwi.. nakakatamad. Uwing uwi na ko.. Nag-promise na kasi ako sa sarili ko (kami ni nessa) na di na kami mag-o-OTY hanggat maaari. Kaya dapat laging maximize ang oras sa office. I also realized that i'm being unfair on myself, dedicating ten hours at work (minsan pa more than 10 hours) just for a map na minsan di ko naman fault kung bakit nagtatagal... This time, sana matupad ko tong resolution ko na ito.
Today's been a typical one... pagdating sa work... check ng neopets... hehehe.. tas check ng mails, ayos ng pedestal, kinig ng mp3s, hingi ng map, aral ng spec, send ng query, lunch with nessa and bertot, toothbrush (pati ba yun?), summarized query reports, phoned Jamjam about tomorrow, meryenda, kwentuhan with cubemates, anu pa ba? Sana naman bukas di na ulit ganito...
Healthy nga naman ang magka-break.. wag lang yung matagal... nakaka-B-O-B-O kasi minsan... hehehe :)